Oliver Sacks

Si Oliver Wolf Sacks, CBE (9 Hulyo 1933 - 30 Agosto 2015) ay isang Ingles na neurologist at awtor, na kilala sa pagsusulat mabentang case history ng disorder ng kaniyang pasyente. Ang ilan sa kanyang mga libro ay iniakma para sa pelikula at entablado. Pagkatapos mag-aral sa The Queen's College, Oxford (natanggap niya ang kanyang degree sa medisina noong 1960), lumipat siya sa US para sa kanyang internship sa Mount Zion Hospital sa San Francisco. Lumipat siya sa New York noong 1965 at dito naging propesor siya ng neurology sa New York University School of Medicine. Mula 2007 hanggang 2012, siya ay propesor ng neurology at psychiatry sa Columbia University, at dito may posisyon siya na "Columbia Artist", na kumilala sa kanyang mga kontribusyon sa sining at agham. Siya din ay naging guro sa Albert Einstein College of Medicine ng Yeshiva University at bumibisitang propesor (visiting professor) sa University of Warwick. Si Sacks ang awtor ng iba't-ibang mabetang libro, kabilang ang mga koleksyon ng case study ng mga taong mayroong neurological disorder. Ang kanyang mga kasulatan ay itinampok sa mas malawak na hanay ng media sa kaysa sa kanyang kapanahong awtor ng medisina, kaya tinurigurian siya ng The New York Times na "poet laureate of contemporary medicine". Ilarawan ng kanyang mga libro ang mga kaso nang detalyado tungkol sa karanasan ng mga pasyente at kung paano nila ito nakayanan, madalas na naglilinaw kung pinanganagsiwaan ng normal na utak ang persepsiyon, memorya at indibidwalidad. Ang Awakenings (1973), isang salaysaying autobiographical ng kanyang pagsisikap na matulungan ang mga taong may encephalitis lethargica na mabawi ang tamang pag-andar ng utak, ay iniangkop sa pelikulang may parehong pamagat na nanalo ng Academy Award noong 1990 at pinagbidahan nina Robin Williams at Robert De Niro. Siya at ang kanyang mga librong Musicophilia: Tales of Music and the Brain ay ang paksa ng "Musical Minds", isang episode ng seryeng Nova ng PBS. Noong 2008, si Sacks ay ginawaran ng CBE sa Queen's Birthday Honours para sa mga serbisyo sa panitikan.


Developed by StudentB